12Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati.
13Pero, nang maysakit sila, nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
14Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.
15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
16Walang galang nila akong hinamak; nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin.
17Panginoon hanggang kailan ka titingin? Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga mapangwasak na pag-atake, ang buhay ko mula sa mga leon.
18Pagkatapos magpapasalamat ako sa iyo sa dakilang pagpupulong; pupurihin kita sa maraming tao.
19Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway; huwag mo silang hayaang magawa ang kanilang masasamang mga balak.
20Dahil hindi sila nagsasalita ng kapayapaan, sa halip, nagpaplano sila ng mga salitang mapanlinlang laban sa naninirahan sa aming lupain na mapayapang namumuhay.
21Binubuka nila ng malaki ang kanilang mga bibig laban sa akin; sabi nila, “Ha, ha, nakita namin ito.”
22Nakita mo ito, Yahweh, huwag kang manahimik; huwag kang lumayo sa akin Panginoon.
23Bumangon ka at gumising para ipagtanggol ako; aking Diyos at Panginoon, ipagtanggol mo ang aking panig.
24Ipagtanggol mo ako, Yahweh aking Diyos, dahil sa iyong katuwiran; huwag mo silang hayaang magalak sa akin.
25Huwag mong hayaang sabihin nila sa kanilang puso na, “Aha, nakuha na namin ang aming nais.” Huwag mong hayaan na sabihin nila, “Nilamon namin siya.”