1Pupurihin ko si Yahweh sa lahat ng oras; ang kaniyang kapurihan ay laging mamumutawi sa aking bibig.
2Pupurihin ko si Yahweh; nawa marinig ito ng api at sila ay matuwa.
3Purihin natin si Yahweh; sama-sama nating itaas ang kaniyang pangalan.
4Hinanap ko si Yahweh, at tumugon siya, at sa lahat ng mga takot ko tagumpay ang ibinigay niya.
5Nagniningning ang mga tumitingin sa kaniya, at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.
6Ang inapi ay umiyak, at narinig siya ni Yahweh at niligtas mula sa lahat ng kaniyang mga kaguluhan.
7Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.
8Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti; mapalad ang taong kumukubli sa kaniya.
9Katakutan ninyo si Yahweh, kayo na kaniyang banal na bayan; hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya.
10Ang batang leon minsan ay nagkukulang sa pagkain at nagugutom; pero ang mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti.