Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 33

Mga Awit 33:1-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Magalak kay Yahweh, kayong mga matuwid; ang papuri ay angkop para sa matuwid.
2Pasalamatan si Yahweh na may alpa; awitan siya ng mga papuri niya ng may alpa na sampung kuwerdas.
3Awitan siya ng bagong awit; tumugtog nang mahusay at umawit ng may kagalakan.
4Dahil ang salita ni Yahweh ay matuwid, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay patas.
5Iniibig niya ang katuwiran at katarungan. Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh.
6Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nalikha, at ang lahat ng mga bituin ay nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig.
7Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang isang tumpok; nilalagay niya ang mga karagatan sa mga imbakan.
8Hayaan ang buong mundo na matakot kay Yahweh; hayaan ang lahat ng nananahan sa mundo ay mamangha sa kanya.
9Dahil siya ay nagsalita, at nangyari ito; siya ay nag-utos, at tumayo ng matayog.
10Binibigo ni Yahweh ang pagsasanib ng mga bansa; siya ang nananaig sa mga plano ng mga tao.
11Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi.
12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay si Yahweh; ang bayan na kaniyang pinili bilang kanyang sariling pag-aari.
13Nagmamasid si Yahweh mula sa kalangitan; nakikita niya ang lahat ng mga tao.
14Mula sa lugar kung saan siya nananahan, siya ay tumingin sa lahat ng nananahan sa lupa.
15Siya na humuhubog ng mga puso nilang lahat ay nagmamasid sa lahat ng kanilang mga gawi.
16Walang hari ang naligtas sa pamamagitan ng isang malaking hukbo; ang isang mandirigma ay hindi naligtas sa pamamagitan ng kanyang dakilang lakas.
17Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan ng tagumpay; sa kabila ng kanyang kalakasan, ay hindi siya makakapagligtas.
18Tingnan ninyo, ang mata ni Yahweh ay nasa kanila na may takot sa kaniya, sa mga taong umaasa sa kaniyang katapatan sa tipan
19para mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan at panatilihin silang buhay sa mga panahon ng taggutom.

Read Mga Awit 33Mga Awit 33
Compare Mga Awit 33:1-19Mga Awit 33:1-19