Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 17

Mga Awit 17:5-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Ang mga yapak ko ay nanatiling nakatuon sa iyong gabay; ang paanan ko ay hindi lumihis.
6Nananawagan ako sa iyo, dahil tinutugon mo ako, O Diyos; ibaling mo ang pandinig mo sa akin at pakinggan mo ako sa aking sasabihin.
7Ipakita mo ang katapatan mo sa tipan sa kaaya-ayang paraan, ikaw na nagliligtas, sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, ng mga kumukibli sa iyo mula sa kanilang mga kaaway.
8Ingatan mo ako tulad ng sinta mong irog; itago mo ako sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak
9mula sa presensiya ng masasama na nananakit sa akin, mga kaaway kong pumapaligid sa akin.
10Wala silang awa kaninuman; ang mga bibig nila ay nagsasalita nang may kayabangan.
11Pinaligiran nila ang aking mga yapak. Binabalak nila na pabagsakin ako.
12Tulad sila ng isang leon na sabik para sa isang biktima, tulad ng isang batang leon na nakaabang sa mga liblib na lugar.
13Tumayo ka, O Yahweh! Lusubin mo sila! Pabagsakin mo sila! Iligtas mo ako mula sa masasama sa pamamagitan ng iyong tabak!

Read Mga Awit 17Mga Awit 17
Compare Mga Awit 17:5-13Mga Awit 17:5-13