6Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
7Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
8Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
9Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag sila ay umiiyak.
10Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.
11Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.
12Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion.
13Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo.
14Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo.
15Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos.
16Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.
17Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?
18Ipinahahayag niya ang kaniyang utos at tinutunaw ito, pina-iihip niya ang hangin at pinadadaloy niya ang tubig.
19Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel.