51Hinahamak ako ng mga mapagmalaki, pero hindi ako tumalikod sa iyong batas.
52Inisip ko ang tungkol sa mga matuwid mong utos noong unang panahon, Yahweh, at inaaliw ko ang aking sarili.
53Napuno ako ng matinding galit dahil sa mga masasama na hindi sumusunod sa iyong batas.
54Ang mga alituntunin mo ang naging mga awit ko sa bahay na pansamantala kong tinitirhan.
55Iniisip ko ang pangalan mo sa gabi, Yahweh, at iniingatan ang iyong batas.
56Ito ang naging gawain ko dahil sinunod ko ang mga tagubilin mo. HETH.
57Si Yahweh ang kabahagi ko; napagpasiyahan kong sundin ang kaniyang mga salita.
58Buong puso kong hinihiling ang iyong kagandahang-loob; maging mahabagin ka sa akin gaya ng pinangako ng iyong salita.
59Siniyasat ko ang aking mga pamumuhay at binaling ko ang aking mga paa sa iyong mga utos.
60Nagmamamadali ako at hindi ipinagpaliban ang pagsunod sa iyong mga kautusan.
61Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.