19Pero sinabi ni Josue sa bayan, “Hindi ninyo maaaring paglingkuran si Yahweh, dahil siya ay isang banal na Diyos; siya ay isang selosong Diyos; hindi niya papatawarin ang inyong mga paglabag at mga kasalanan.
20Kung iiwan ninyo si Yahweh at sasamba sa mga dayuhang diyos, sa gayon siya ay tatalikod at pipinsalain kayo. Tutupukin niya kayo, pagkatapos niyang makagawa ng mabuti sa inyo.”
21Pero sinabi ng bayan kay Josue, “Hindi, sasambahin namin si Yahweh.”
22Pagkatapos sinabi ni Josue sa bayan, “Kayo ang mga saksi laban sa inyong mga sarili na kayo mismo ang pumili kay Yahweh, para sambahin siya.” Sinabi nila, “Kami ay mga saksi.”
23Ngayon itapon ninyo ang mga dayuhang diyos na nasa inyo, at ibaling ang inyong puso kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
24Sinabi ng bayan kay Josue, “Sasambahin namin si Yahweh na aming Diyos. Makikinig kami sa kaniyang tinig.”
25Gumawa si Josue ng isang tipan sa bayan sa araw na iyon. Inilagay niya sa lugar ang mga kautusan at mga batas sa Sechem.
26Sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa Ang Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya ng isang malaking bato at inilagay ito doon sa ilalim ng punong ensena sa tabi ng santuwaryo ni Yahweh.
27Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, “Tingnan mo, ang batong ito ay magiging isang patotoo laban sa amin. Narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh sa amin. Kaya ito ay magiging isang saksi laban sa inyo, kung ninyo ipagkakaila ang inyong Diyos.”
28Kaya pinaalis ni Josue ang bayan, bawa't isa kaniyang sariling pamana.
29Pagkatapos ng mga bagay na ito si Josue na anak na lalaki ni Nun, ang lingkod ni Yahweh, ay namatay, na nabuhay ng 110 taong gulang.
30Siya ay inilibing nila sa loob ng hangganan ng kaniyang sariling pamana, sa Timnat Sera, na nasa maburol na lugar ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaash.
31Sinamba ng Israel si Yahweh sa buong buhay ni Josue, at sa buong buhay ng mga matatanda na nabuhay ng mas matagal kay Josue, ang mga nakaranas sa lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh para sa Israel.
32Ang mga buto ni Jose, na dinala palabas ng bayan ng Israel mula Ehipto—inilibing nila ang mga ito sa Sechem, sa kapirasong lupain na binili ni Jacob mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, ang ama ni Sechem. Binili niya ito sa halagang isang daang pirasong pilak, at ito ay naging isang pamana para sa mga kaapu-apuhan ni Jose.
33Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim.