Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 24:19-33 in Tagalog

Help us?

Joshua 24:19-33 in Ang Dating Biblia (1905)

19 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y hindi makapaglilingkod sa Panginoon; sapagka't siya'y isang banal na Dios; siya'y mapanibughuing Dios; hindi niya ipatatawad ang inyong pagsalangsang ni ang inyong mga kasalanan.
20 Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti.
21 At sinabi ng bayan kay Josue, Hindi: kundi kami ay maglilingkod sa Panginoon.
22 At sinabi ni Josue sa bayan, Kayo'y mga saksi laban sa inyong sarili na inyong pinili sa inyo ang Panginoon, upang paglingkuran siya. At sinabi nila, Kami ay mga saksi.
23 Ngayon nga'y alisin ninyo, sabi niya, ang ibang mga dios na nasa gitna ninyo at ikiling ninyo ang inyong puso sa Panginoon, na Dios ng Israel.
24 At sinabi ng bayan kay Josue, Ang Panginoon nating Dios ay aming paglilingkuran, at ang kaniyang tinig ay aming didinggin.
25 Sa gayo'y nakipagtipan si Josue sa bayan nang araw na yaon, at nilagdaan niya sila ng palatuntunan at ng ayos sa Sichem.
26 At sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa aklat ng kautusan ng Dios; at siya'y kumuha ng malaking bato, at inilagay sa lilim ng encina na nasa tabi ng santuario ng Panginoon.
27 At sinabi ni Josue sa buong bayan, Narito, ang batong ito ay magiging saksi laban sa atin, sapagka't narinig nito ang lahat ng mga salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa atin: ito nga'y magiging saksi laban sa inyo, baka ninyo itakuwil ang inyong Dios.
28 Sa gayo'y pinapagpaalam ni Josue ang bayan, bawa't isa sa kaniyang mana.
29 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Josue, na anak ni Nun na lingkod ng Panginoon, ay namatay na may isang daan at sangpung taon ang gulang.
30 At inilibing nila siya sa hangganan ng kaniyang mana sa Timnath-sera, na nasa lupaing maburol ng Ephraim sa hilagaan ng bundok ng Gaas.
31 At naglingkod ang Israel sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue at nakilala ang lahat na gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.
32 At ang mga buto ni Jose, na isinampa ng mga anak ni Israel mula sa Egipto ay inilibing nila sa Sichem, sa putol ng lupa na binili ni Jacob sa mga anak ni Hemor na ama ni Sichem ng isang daang putol na salapi: at mga naging mana ng mga anak ni Jose.
33 At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa lupaing maburol ng Ephraim.
Joshua 24 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 24:19-33 in Banal na Bibliya

19 Pero sinabi ni Josue sa bayan, “Hindi ninyo maaaring paglingkuran si Yahweh, dahil siya ay isang banal na Diyos; siya ay isang selosong Diyos; hindi niya papatawarin ang inyong mga paglabag at mga kasalanan.
20 Kung iiwan ninyo si Yahweh at sasamba sa mga dayuhang diyos, sa gayon siya ay tatalikod at pipinsalain kayo. Tutupukin niya kayo, pagkatapos niyang makagawa ng mabuti sa inyo.”
21 Pero sinabi ng bayan kay Josue, “Hindi, sasambahin namin si Yahweh.”
22 Pagkatapos sinabi ni Josue sa bayan, “Kayo ang mga saksi laban sa inyong mga sarili na kayo mismo ang pumili kay Yahweh, para sambahin siya.” Sinabi nila, “Kami ay mga saksi.”
23 Ngayon itapon ninyo ang mga dayuhang diyos na nasa inyo, at ibaling ang inyong puso kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.”
24 Sinabi ng bayan kay Josue, “Sasambahin namin si Yahweh na aming Diyos. Makikinig kami sa kaniyang tinig.”
25 Gumawa si Josue ng isang tipan sa bayan sa araw na iyon. Inilagay niya sa lugar ang mga kautusan at mga batas sa Sechem.
26 Sinulat ni Josue ang mga salitang ito sa Ang Aklat ng Batas ng Diyos. Kumuha siya ng isang malaking bato at inilagay ito doon sa ilalim ng punong ensena sa tabi ng santuwaryo ni Yahweh.
27 Sinabi ni Josue sa lahat ng mga tao, “Tingnan mo, ang batong ito ay magiging isang patotoo laban sa amin. Narinig nito ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh sa amin. Kaya ito ay magiging isang saksi laban sa inyo, kung ninyo ipagkakaila ang inyong Diyos.”
28 Kaya pinaalis ni Josue ang bayan, bawa't isa kaniyang sariling pamana.
29 Pagkatapos ng mga bagay na ito si Josue na anak na lalaki ni Nun, ang lingkod ni Yahweh, ay namatay, na nabuhay ng 110 taong gulang.
30 Siya ay inilibing nila sa loob ng hangganan ng kaniyang sariling pamana, sa Timnat Sera, na nasa maburol na lugar ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaash.
31 Sinamba ng Israel si Yahweh sa buong buhay ni Josue, at sa buong buhay ng mga matatanda na nabuhay ng mas matagal kay Josue, ang mga nakaranas sa lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh para sa Israel.
32 Ang mga buto ni Jose, na dinala palabas ng bayan ng Israel mula Ehipto—inilibing nila ang mga ito sa Sechem, sa kapirasong lupain na binili ni Jacob mula sa mga anak na lalaki ni Hamor, ang ama ni Sechem. Binili niya ito sa halagang isang daang pirasong pilak, at ito ay naging isang pamana para sa mga kaapu-apuhan ni Jose.
33 Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim.
Joshua 24 in Banal na Bibliya