Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 19

Joshua 19:6-22

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Bet Labaot, at Saruhen. Labing tatlong lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
7Si Simeon ay mayroon ding Ain, Rimmon, Eter, at Asan. Apat na lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
8Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
9Ang pamana ng lipi ni Simeon ay bumuo ng bahagi sa lupain ng lipi ni Juda. Dahil napakalawak para sa kanila ang bahagi ng lupaing itinalaga sa lipi ni Juda, tinanggap ng lipi ni Simeon ang kanilang pamana mula sa gitna ng kanilang bahagi.
10Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid.
11Umakyat pakanluran ang kanilang hangganan patungong Marala at dumikit sa Dabbeset; pagkatapos umabot ito sa batis na katapat ng Jokneam.
12Mula sa Sarid lumiko ang hangganan pasilangan patungo sa silangan at tumungo sa hangganan ng Kislot Tabor. Mula roon tumungo ito sa Daberat at pagkatapos pataas hanggang sa Japia.
13Mula roon dumaan pasilangan sa Gat Heper, at pagkatapos sa Etkazin; sunod nagpunta ito sa Rimmon at lumiko patungo sa Nea.
14Lumiko ang hangganan sa hilaga patungong Hannathn at nagtapos sa lambak ng Ipta El.
15Kasama sa rehiyong ito ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Betlehem. Mayroong labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
16Ito ang minana ng lipi ni Zebulon, na ibinigay sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
17Tumapat ang ikaapat na palabunutan kay Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
18Kasama sa kanilang lupain ang Jezreel, Kesulot, Sunem,
19Hafaraim, Sion, at Anaharat.
20Kasama rin dito ang Rabbit, Kision, Ebez,
21Remet, En-gannim, En-hadda, at Beth-passes.
22Dumikit din ang kanilang hangganan sa Tabor, Sahasim, at Beth-semes, at nagtapos sa Jordan. Mayroong labing-anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.

Read Joshua 19Joshua 19
Compare Joshua 19:6-22Joshua 19:6-22