21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
22Hindi na sila magtatayo ng isang bahay at titirahan ng iba, hindi na sila magtatanim at iba ang kakain, dahil magiging kasing haba ng buhay ng mga puno ang magiging buhay ng aking bayan. Ganap na mabubuhay ang aking mga pinili higit pa sa gawa ng kanilang mga kamay.
23Hindi mawawalan ng kabuluhan ang kanilang pagtatrabaho, ni maghihirap ang kanilang mga anak. Dahil sila ay mga anak ng mga pinagpala ni Yahweh, kasama ang kanilang mga kaapu-apuhan.
24Bago pa sila manalangin, tutugunin ko na; at habang nagsasalita pa lang sila, diringgin ko na.