52Nang narinig ng lingkod ni Abraham ang lahat ng kanilang mga salita, iniyuko niya pababa ang kanyang sarili sa lupa kay Yahweh.
53Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina.
54Pagkatapos kumain at uminom siya at ang mga lalaking kasama niya. Nanatili sila roon magdamag, at nang bumangon sila sa umaga, sinabi niya, “Ipadala na ninyo ako sa aking amo.”
55Sinabi ng kanyang kapatid na lalaki at ng kanyang ina, “Hayaan mo munang manatili kasama namin ang dalaga ng mga ilang araw pa, kahit sampu. Pagkatapos niyan maaari na siyang umalis.”
56Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag ninyo akong hadlangan, yamang pinagpala ni Yahweh ang aking landas. Ipadala na ninyo ako sa aking landas upang makapunta sa aking amo.”
57Sinabi nila, “Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”
58Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.”
59Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki.
60Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”
61Pagkatapos tumayo si Rebeca, at siya at ang kanyang mga lingkod na babae ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki. Kaya kinuha ng lingkod si Rebeca, at lumakad na sa kanyang landas.
62Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai.
63Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!