Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 16

1 Mga Hari 16:4-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Kakainin ng mga aso ang sinumang nabibilang kay Baasa na mamamatay sa lungsod, at ang mga ibon sa himpapawid ay kakainin ang sinumang mamamatay sa mga parang.
5At sa iba pang mga bagay tungkol kay Baasa, ang kaniyang mga ginawa, ang kaniyang kadakilaan, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
6Nahimlay si Baasa kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa Tirza, at ang kaniyang anak na si Ela ang naging hari kapalit niya.
7Kaya dumating ang mensahe ni Yahweh laban kay Baasa at sa buo niyang pamilya sa pamamagitan ni propetang Jehu na anak ni Hanani dahil sa mga masasamang bagay na ginawa ni Baasa sa paningin ni Yahweh, na nagpagalit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga ginawa na tulad ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa pagpatay niya sa buong pamilya ni Jeroboam.
8Sa ika-dalawampu't anim na taon ni Asa, hari ng Juda, si Ela na anak ni Baasa ay nagsimulang maghari sa buong Israel sa Tirza; siya ay naghari sa loob ng dalawang taon.
9Ang kaniyang lingkod na si Zimri, ang pinuno ng kalahati ng kaniyang mga karuwaheng pandigma, ay nagbalak ng masama laban sa kaniya. Sa panahong iyon si Ela ay nasa Tirza, na nilalasing ang sarili sa bahay ni Arza, na namamahala sa buong sambahayan sa Tirza.
10Pumasok sa loob si Zimri, sinalakay at pinatay niya si Ela, at naging hari kapalit niya sa ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Juda.
11Noong nagsimulang maghari si Zimri, pagka-upo niya sa kaniyang trono, pinatay niya ang lahat ng pamilya ni Baasa. Hindi siya nag-iwan ng buhay, kahit na isang batang lalaki, maging kamag-anak o kaibigan ni Baasa.
12Kaya winasak ni Zimri ang lahat ng pamilya ni Baasa, na gaya ng sinabi sa kanila ni Yahweh sa pamamagitan ni Jehu na propeta,
13dahil sa lahat ng mga nagawang kasalanan ni Baasa at ng kaniyang anak na si Ela, at ng dahil sa hinikayat din din nila ang Israel para magkasala at galitin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang dahil sa kanilang mga diyus-diyosan.
14At sa iba pang mga bagay tungkol kay Ela, ang lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
15Noong ika-dalawampu't pitong taon ni Asa hari ng Judah, naghari lamang si Zimri sa loob ng pitong araw sa Tirzah. Ngayon ang hukbo ay nagkampo sa Gibeton, na nasa teritoryo ng mga Filisteo.
16Narinig ng hukbo na nasa kampo doon na, “Nagtaksil si Zimri at pinatay niya ang hari.” Kaya sa araw na iyon sa kampo, ang buong Israel ay idineklara si Omri, ang pinuno ng hukbo, bilang hari sa buong Israel.
17Pumunta paakyat si Omri kasama ang buong Israel mula sa Gibeton, at nilusob ang Tirza.

Read 1 Mga Hari 161 Mga Hari 16
Compare 1 Mga Hari 16:4-171 Mga Hari 16:4-17