Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 3

Mga Hukom 3:1-6

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon ay hinayaan ni Yahweh ang mga bansa na subukin ang Israel, lalo na ang lahat sa Israel na hindi nakaranas ng anumang digmaan sa Canaan.
2(ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.):
3ang limang hari mula sa Palestina, lahat ng mga Cananeo, ang mga Sidoneo, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon, mula sa Bundok Baal Hermon patungong Pasong Hamat.
4Ang mga bansang ito ay inawanan para masubok ni Yahweh ang Israel, para patunayang kung susundin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.
5Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo.
6Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan.

Read Mga Hukom 3Mga Hukom 3
Compare Mga Hukom 3:1-6Mga Hukom 3:1-6