Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 20

Mga Hukom 20:30-44

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
30Nakipaglaban ang bayan ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin sa pangatlong araw, at binuo nila ang kanilang hanay na pangdigma laban sa Gibea gaya ng nakaraan nilang ginawa.
31Pumunta ang mga tao ng Benjamin at nakipaglaban laban sa mga tao, at napalayo sila mula sa lungsod. Nagsimula na silang pumatay ng ilan sa mga tao. May halos tatlumpong kalalakihan ng Israel ang namatay sa mga bukid at sa mga daan. Isa sa mga daan ay papunta ng Bethel, ang iba ay papunta ng Gibea.
32Pagkatapos sinabi ng mga tao ng Benjamin, “Sila ay natalo at sila ay tumatakbo palayo mula sa atin, gaya ng nauna.” Pero sinabi ng mga sundalo ng Israel, “Tayo ay tumakbo pabalik at ilayo sila mula sa lungsod papunta sa mga daan.”
33Bumangon ang lahat ng mga tao ng Israel mula sa kanilang mga lugar at binuo ang kanilang mga sarili sa hanay para makipagdimaan sa Baal Tamar. Pagkatapos ang mga sundalo ng Israel na nagtatago sa mga lihim na mga lugar ay lumabas sa kanilang mga lugar mula sa Maare Gibea.
34Doon lumabas laban sa Gibea ang sampung libong napiling kalalakihan na mula sa buong Israel, at ang labanan ay napakatindi, pero hindi alam ng mga Benjamita na ang kapahamakan ay malapit sa kanila.
35Tinalo ni Yahweh ang Benjaminita sa harap ng Israel. Sa araw na iyon, nakapatay ang mga sundalo ng Israel ng 25, 100 kalalakihan ng Benjamin. Lahat ng kanilang napatay ay mga tinuruang lumaban gamit ang espada.
36Kaya nakita ng mga sundalo ng Benjamin na sila ay natalo. Nagbigay ang kalalakihan ng Israel ng lupa sa Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na inilagay nila sa mga lihim na pwesto sa labas ng Gibea.
37Pagkatapos ang kalalakihan na nagtatago ay bumangon at nagmadali at sinugod nila ang Gibea, at gamit ang kanilang mga espada pinatay nila ang lahat ng mga naninirahan sa lungsod.
38Ang inayos na hudyat sa pagitan ng mga sundalo ng Israel at kalalakihan na nagtatago ng palihim ay ang isang malaking ulap ng usok na tataas mula sa lungsod—
39—at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, “Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan.”
40Pero nang magsimula na ang haligi ng usok na tumaas mula sa lungsod, bumalik ang mga Benjamita at nakita ang usok na tumataas sa himpapawid mula sa buong lungsod.
41Pagkatapos bumalik ang bayan ng Israel laban sa kanila. Natakot ang kalalakihan ng Benjamin, dahil nakita nila ang kapahamakan ay dumating sa kanila.
42Kaya lumayo sila mula sa mga tao ng Israel, tumakas sa daan papuntang ilang. Pero naabutan sila ng labanan. Lumabas ang mga sundalo ng Israel mula sa lungsod at pinatay sila kung saan sila nakatayo.
43Pinalibutan nila ang mga Benjaminita at nilusob nila; At kanilang niyurakan sila sa Nohah, at pinatay sila papuntang silangang bahagi ng Gibea.
44Mula sa lipi ng Benjamin, 18, 000 sunadol tao ang namatay, lahat sila ay kalalakihan na tanyag sa labanan.

Read Mga Hukom 20Mga Hukom 20
Compare Mga Hukom 20:30-44Mga Hukom 20:30-44