Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 21

Mga Gawa 21:30-39

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
30Nagkagulo ang buong lungsod at sama samang tumakbo ang mga tao at dinakip si Pablo. Kinaladkad nila siya palabas ng templo, at agad na isinara ang mga pintuan.
31Habang binabalak nila na siya ay patayin, nakarating ang balita sa pinunong kapitan ng mga bantay na ang lahat ng nasa Jerusalem ay nagkagulo.
32Agad-agad nagsama siya ng mga kawal at mga senturion, at tumakbo pababa papunta sa maraming tao. Nang makita ng mga tao ang pinunong kapitan at ang mga kawal, huminto sila sa pagbugbog kay Pablo.
33Pagkatapos lumapit ang pinunong kapitan at dinakip si Pablo, at nag-utos na igapos siya gamit ang dalawang kadena. Tinanong niya kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
34Ang ilan sa mga tao ay sumisigaw ng isang bagay at iba naman ang sinisigaw ng iba. Dahil hindi makapagsabi ang kapitan ng anumang bagay dahil sa ingay ng lahat, nag-utos siya na dalhin si Pablo sa loob ng kampo.
35Nang dumating siya sa hagdanan, binuhat siya ng mga kawal dahil sa karahasan ng mga tao.
36Sapagkat ang karamihan ng mga tao ay sumusunod at patuloy na sumisigaw ng, “Alisin siya!”
37Nang dadalhin na si Pablo sa loob ng kampo, sinabi niya sa pinunong kapitan, “Maaari ba akong magsabi ng isang bagay saiyo?” Sinabi ng kapitan, “Nagsasalita ka ba ng Griego?
38Hindi ba ikaw iyong taga-Egipto, na dating nangunguna sa paghihimagsik at nagsama ng apat na libong terorista patungo sa ilang?”
39Sinabi ni Pablo, “Ako ay isang Judio, na mula sa lungsod ng Tarso sa Cilicia. Ako ay mamamayan ng isang mahalagang lungsod. Nakikiusap ako saiyo, hayaan mo akong magsalita sa mga tao.”

Read Mga Gawa 21Mga Gawa 21
Compare Mga Gawa 21:30-39Mga Gawa 21:30-39