Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 16

Mga Gawa 16:35-40

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
35Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, “Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon.”
36Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, “Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan.”
37Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, “Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas.”
38Binalita ng mga bantay ang mga salitang ito sa mga hukom; natakot ang mga hukom nang kanilang marinig na sina Pablo at Silas ay mga Romano.
39Dumating ang mga hukom at nagmakaawa sa kanila; at nang inilabas nila sila sa bilangguan, pinakiusapan nila si Pablo at si Silas na umalis na sa lungsod.
40Kaya lumabas na ng bilangguansina Pablo at Silas at nagtungo sa bahay ni Lidia. Nang makita nina Pablo at Silas ang mga kapatid, pinalakas nila ang kanilang kalooban at sila ay umalis mula sa lungsod.

Read Mga Gawa 16Mga Gawa 16
Compare Mga Gawa 16:35-40Mga Gawa 16:35-40