Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 96

Mga Awit 96:5-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Dahil lahat ng mga diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan, pero si Yahweh ang lumikha ng kalangitan.
6Kaningningan at kamahalan ang nasa kanyang presensiya. Kalakasan at kagandahan ang nasa kanyang santuwaryo.
7Iukol kay Yahweh, kayong mga angkan ng mga tao, iukol kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan.
8Iukol kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kanyang pangalan. Magdala ng handog at magsipasok sa kanyang mga silid.
9Magbigay galang kay Yahweh sa kanyang banal na kaningningan. Manginig kayo sa kanyang harapan, buong daigdig.
10Sabihin ninyo sa gitna ng mga bansa, si Yahweh ang naghahari. Ang mundo rin ay itinatag; hindi ito mayayanig. Hinahatulan niya ang mga tao nang patas.
11Hayaang ang kalangitan ay magalak, at ang daigdig ay magdiwang; hayaang ang dagat ay rumagasa at ang mga laman nito ay sumigaw nang may kagalakan.
12Hayaang magalak ang mga bukirin at lahat ng nasa kanila. Pagkatapos hayaang ang mga puno sa kagubatan sumigaw sa kagalakan

Read Mga Awit 96Mga Awit 96
Compare Mga Awit 96:5-12Mga Awit 96:5-12