Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 95

Mga Awit 95:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Sa kaniyang kamay ay ang kalaliman ng kalupaan; ang katayugan ng bundok ay sa kaniya.
5Ang dagat ay kaniya, dahil nilikha niya ito, at hinulma ng kaniyang mga kamay ang tuyong lupa.
6O halika, tayo ay magpuri at yumukod; tayo ay lumuhod sa harapan ni Yahweh, ang ating tagapaglikha:
7Dahil siya ang ating Diyos, at tayo ang mga tao sa kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, marinig niyo nawa ang kaniyang tinig!
8“Huwag niyong patigasin ang inyong puso, tulad sa Meribah, o sa araw ng Masah sa ilang,
9nang sinubukan ng inyong ninuno na hamunin ang aking kapangyarihan at sinubukan ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang aking mga gawa.

Read Mga Awit 95Mga Awit 95
Compare Mga Awit 95:4-9Mga Awit 95:4-9