2Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila.
3Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?
4Nagbubuhos sila ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
5Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.
6Pinapatay nila ang balo at ang dayuhan, at pinapaslang nila ang mga ulila.
7Sinasabi nila, “Hindi makikita ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito.”
8Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
9Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?