12Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas.
13Binigyan mo siya ng kapahingahan sa oras ng kaguluhan hanggang ang isang hukay ang binungkal para sa masasama.
14Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang pag-aari.
15Dahil mananaig ang katarungan; at lahat ng matuwid ay susunod.
16Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
17Maliban na lang kung si Yahweh ang aking naging tulong, sa kalaunan, ako ay hihiga sa lugar ng katahimikan.
18Nang sinabi ko, “Ang aking paa ay nadudulas,” ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay itinaas ako.
19Kapag ang mga alalahanin na nasa akin ay nagbabadya na tabunan ako, ang iyong kaginhawaan ang nagpapasaya sa akin.
20Kaya ba ng masasamang mga pinuno na makiisa sa iyo, silang mga gumawa ng walang katarungan sa pamamagitan ng alituntunin?
21Sila ay magkasama na nagsasabwatan para kunin ang buhay ng matuwid at kanilang sinsusumpa sa kamatayan ang walang sala.
22Pero si Yahweh ang naging matayog kong tore, at ang aking Diyos ang naging bato sa aking kanlungan.
23Dadalhin niya sa kanila ang kanilang sariling labis na kasalanan at puputulin niya ang sarili nilang kasamaan. Si Yahweh ang ating Diyos ang puputol sa kanila.