Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 92

Mga Awit 92:5-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Napakadakila ng iyong mga gawa, Yahweh! Ang iyong kaisipan ay napakalalim.
6Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal:
7Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo, at kahit ang lahat ng gumagawa ng masama ay magtagumpay, mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman.
8Pero ikaw, Yahweh, ay maghahari magpakailanman.
9Sa katunayan, tingnan mo ang iyong mga kaaway, Yahweh; lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat.
10Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro; pinahiran mo ako ng sariwang langis.
11Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway.
12Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.
13Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh; sila ay yayabong sa patyo ng ating Diyos.
14Namumunga sila kahit sila ay matanda na; nanatili silang sariwa at luntian,

Read Mga Awit 92Mga Awit 92
Compare Mga Awit 92:5-14Mga Awit 92:5-14