6Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?
7Siya ay Diyos na lubos na pinararangalan sa konseho ng mga banal at ang kamangha-mangha sa gitna ng lahat ng nakapalibot sa kaniya.
8Yahweh, Diyos ng mga hukbo, sino ang kasing lakas mo, Yahweh? Pinapaligiran ka ng iyong katapatan.
9Pinaghaharian mo ang nagngangalit na mga dagat; kapag gumugulong ang mga alon, pinapayapa mo ang mga ito.
10Dinurog mo si Rahab katulad ng isang taong pinatay. Kinalat mo ang mga kaaway mo sa pamamagitan ng malakas mong bisig.
11Sa iyo ang kalangitan, pati na ang kalupaan. Nilikha mo ang mundo at lahat ng nilalaman nito.
12Nilikha mo ang hilaga at timog. Nagsasaya ang Tabor at Hermon sa pangalan mo.
13Mayroon kang makapangyarihang bisig at malakas na kamay, at nakataas ang iyong kanang kamay.
14Katuwiran at hustisya ang saligan ng iyong trono. Katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ang nasa harapan mo.
15Mapalad ang mga sumasamba sa iyo! Yahweh, lumalakad sila sa liwanag ng iyong mukha.
16Buong araw silang nagsasaya sa pangalan mo, at itinataas ka nila sa katuwiran mo.
17Ikaw ang kanilang dakilang kalakasan, at sa iyong pabor kami ay nagtatagumpay.
18Dahil ang kalasag namin ay pagmamay-ari ni Yahweh; ang hari namin ay Ang Banal ng Israel.
19Matagal na ang nakalipas nang nagsalita ka sa matatapat sa iyo sa pamamagitan ng pangitain; sinabi mo, “Pinatungan ko ng korona ang isang taong magiting; humirang ako mula sa mga tao.
20Pinili ko si David na aking lingkod; hinirang ko siya gamit ang aking banal na langis.
21Aalalayan siya ng aking kamay; palalakasin siya ng aking bisig.
22Walang kaaway ang makapanlilinlang sa kaniya; walang anak ng kasamaan ang mang-aapi sa kaniya.
23Dudurugin ko ang mga kaaway niya sa kaniyang harapan; papatayin ko ang mga namumuhi sa kaniya.
24Makakasama niya ang aking katotohanan at ang aking katapatan sa tipan; sa pamamagitan ng pangalan ko siya ay magtatagumpay.
25Ipapatong ko ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ang kanang kamay niya sa ibabaw ng mga ilog.
26Tatawagin niya ako, 'Ikaw ang aking Ama, aking Diyos, ang bato ng aking kaligtasan.'
27Gagawin ko rin siyang panganay kong anak na lalaki, ang pinaka-tinatanghal sa mga hari ng lupa.
28Ipagpapatuloy ko ang aking katapatan sa tipan sa kaniya magpakailanman; at ang tipan ko sa kaniya ay magiging matatag.
29Itataguyod ko ang kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman at ang kaniyang trono ay magiging kasing tatag ng kalangitan.
30Kung iiwanan ng kaniyang mga anak ang aking batas at susuwayin ang aking mga kautusan,
31kung lalabagin nila ang aking mga patakaran at hindi susundin ang aking mga kautusan,
32parurusahan ko ang kanilang paghihimagsik gamit ang isang pamalo at ang kanilang mga kasalanan ng aking mga suntok.
33Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
34Hindi ko puputulin ang aking tipan o babaguhin ang mga salita ng aking mga labi.
35Higit kailanman ako ay nangako sa aking kabanalan - hindi ako magsisinungaling kay David:
36ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
37Magiging matatag ito magpakailanman katulad ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan.” Selah