Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 89

Mga Awit 89:28-51

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
28Ipagpapatuloy ko ang aking katapatan sa tipan sa kaniya magpakailanman; at ang tipan ko sa kaniya ay magiging matatag.
29Itataguyod ko ang kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman at ang kaniyang trono ay magiging kasing tatag ng kalangitan.
30Kung iiwanan ng kaniyang mga anak ang aking batas at susuwayin ang aking mga kautusan,
31kung lalabagin nila ang aking mga patakaran at hindi susundin ang aking mga kautusan,
32parurusahan ko ang kanilang paghihimagsik gamit ang isang pamalo at ang kanilang mga kasalanan ng aking mga suntok.
33Pero hindi ko aalisin ang aking katapatan sa tipan mula sa kaniya o hindi magiging totoo sa aking pangako.
34Hindi ko puputulin ang aking tipan o babaguhin ang mga salita ng aking mga labi.
35Higit kailanman ako ay nangako sa aking kabanalan - hindi ako magsisinungaling kay David:
36ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
37Magiging matatag ito magpakailanman katulad ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan.” Selah
38Pero itinanggi mo at itinakwil; nagalit ka sa iyong hinirang na hari.
39Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
40Giniba mo ang lahat ng kaniyang mga pader. Sinira mo ang kaniyang mga tanggulan.
41Ninakawan siya ng lahat ng dumaan sa kaniya. Siya ay naging kasuklam-suklam sa mga kapitbahay niya.
42Itinaas mo ang kanang kamay ng mga kaaway niya; pinasaya mo ang lahat ng mga kaaway niya.
43Binaliktad mo ang dulo ng kaniyang espada at hindi mo siya pinagtatagumpay kapag nasa labanan.
44Tinapos mo ang kaniyang karangyaan; giniba mo ang kaniyang trono.
45Pinaikli mo ang araw ng kaniyang kabataan. Binihisan mo siya ng kahihiyan. Selah
46Hanggang kailan, Yahweh? Itatago mo ba ang iyong sarili, habang buhay? Hanggang kailan maglalagablab ang iyong galit tulad ng apoy?
47Isipin mo kung gaano na lang kaikli ang oras ko, at ang kawalan ng pakinabang ng lahat ng mga anak ng tao na nilikha mo!
48Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? Selah
49Panginoon, nasaan na ang dati mong mga gawain ng katapatan sa tipan na pinangako mo kay David sa iyong katotohanan?
50Alalahanin mo, Panginoon, ang pangungutya sa iyong mga lingkod at kung paano ko kinikimkim sa aking puso ang napakaraming panlalait mula sa mga bansa.
51Nagbabato ng panlalait ang mga kaaway mo, Yahweh; kinukutya nila ang mga hakbangin ng iyong hinirang.

Read Mga Awit 89Mga Awit 89
Compare Mga Awit 89:28-51Mga Awit 89:28-51