Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 85

Mga Awit 85:1-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Yahweh, nagpakita ka ng pabor sa iyong lupain; ibinalik mo ang kagalingan ni Jacob.
2Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. Selah
3Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
4Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.
5Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit hanggang sa mga salinlahi sa hinaharap?
6Hindi mo ba kami bubuhaying muli? Pagkatapos ang iyong bayan ay magagalak sa iyo.
7Ipakita mo sa amin ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.

Read Mga Awit 85Mga Awit 85
Compare Mga Awit 85:1-7Mga Awit 85:1-7