14Bumalik ka, Diyos ng mga hukbo; pagmasdan mo mula sa langit at pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito.
15Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
16Ito ay sinunog at pinutol; nawa mapuksa ang iyong mga kaaway dahil sa iyong pagsaway.
17Nawa ang iyong kamay ay maipatong sa taong iyong kanang kamay, sa anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.
18Sa gayon hindi kami tatalikod mula sa iyo; pasiglahin mo kami, at tatawag kami sa iyong pangalan.