Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 78

Mga Awit 78:48-60

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
48Nagpaulan siya ng yelo sa kanilang mga baka at naghagis ng mga kidlat sa kanilang mga baka.
49Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila. Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna.
50Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit; hindi niya sila niligtas mula sa kamatayan pero ibinigay niya sila sa salot.
51Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas sa mga tolda ni Ham.
52Inakay niya ang sarili niyang bayan gaya ng tupa at ginabayan sila mula sa ilang gaya ng isang kawan.
53Inakay niya sila nang may kapanatagan at walang takot, pero nagapi ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54Pagkatapos, dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang banal na lupain, sa kaniyang bundok na nakuha ng kaniyang kanang kamay.
55Tinaboy niya ang mga bansa sa kanilang mga harapan at itinalaga sila sa kanilang pamana; pinatira niya ang mga tribu ng Israel sa kanilang mga tolda.
56Pero hinamon at sumuway sila sa Kataas-taasang Diyos at hindi sinunod ang kaniyang banal na mga kautusan.
57Hindi sila tapat at kumilos sila nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama; hindi sila maaasahan tulad ng isang sirang pana.
58Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.
59Nang marinig ito ng Diyos, nagalit siya at lubusang itinakwil ang Israel.
60Iniwan niya ang banal na santuwaryo ng Shilo, ang tolda kung saan siya naninirahan kasama ng mga tao.

Read Mga Awit 78Mga Awit 78
Compare Mga Awit 78:48-60Mga Awit 78:48-60