3Inisip ko ang Diyos habang naghihinagpis ako; inisip ko siya habang nanghihina ako. Selah
4Binuksan mo ang aking mga mata; labis akong nabahala para magsalita.
5Iniisip ko ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas.
6Sa kahabaan ng gabi inaalala ko ang awit na minsan kong inawit. Nag-isip akong mabuti at sinubukang unawain ang nangyari.