Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 72

Mga Awit 72:6-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
7Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
8Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
9Yumuko nawa sa harapan niya silang mga naninirahan sa ilang; dilaan nawa ng kaniyang mga kaaway ang alikabok.
10Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
11Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
12Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong.
13May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan.
14Tinutubos niya ang mga buhay nila mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniyang paningin.
15Mabuhay ang hari! Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba. Manalangin nawa ang mga tao sa kaniya; pagpalain siya nawa ng Diyos buong araw.

Read Mga Awit 72Mga Awit 72
Compare Mga Awit 72:6-15Mga Awit 72:6-15