3Maging batong kublihan ka para sa akin kung saan man ako pumunta; nagbigay ka ng utos para iligtas ako, dahil ikaw ang aking bato at tanggulan.
4Sagipin mo ako, aking Diyos, mula sa kamay ng masasama, mula sa kamay ng makasalanan at malupit.
5Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa.
6Habang ako ay nasa sinapupunan, inalalayan mo ako; ikaw ang siyang kumuha sa akin palabas sa tiyan ng aking ina; ang aking papuri ay tungkol palagi sa iyo.