28Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
29Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
30Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos ng may awit at dadakilain siya ng may pasasalamat.
31Higit na kalulugdan ito ng Diyos kaysa sa isang baka o toro na may mga sungay at paa.
32Nakita ito ng mga mapagpakumbaba at natuwa; kayo na mga naghahanap sa Diyos, hayaan niyong mabuhay ang inyong mga puso.