20Winasak ng pagtutuwid ang aking puso; punong-puno ako ng kabigatan; naghahanap ako ng sinumang maaawa sa akin, pero wala ni isa man. Naghahanap ako ng mga mag-aaliw, pero wala akong nakita.
21Binigyan nila ako ng lason para kainin ko; sa aking pagka-uhaw binigyan nila ako ng suka para inumin.
22Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas sila, hayaan mong maging patibong ito.
23Hayaan mong magdilim ang kanilang mga mata para hindi sila makakita; lagi mong yugyugin ang mga baywang nila.
24Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan sila ng bagsik ng iyong galit.
25Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
26Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
27Isakdal mo sila dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.