2Kung paano itinaboy ang usok, gayundin ang pagtaboy mo sa kanila; kung paano natutunaw ang kandila sa harap ng apoy, hayaang maglaho ang mga masama sa presensiya ng Diyos.
3Pero hayaang matuwa ang mga matutuwid; hayaan silang magpakasaya sa harap ng Diyos; nawa ay magalak sila at maging masaya.
4Umawit sa Diyos, umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan; gumawa ng daan sa kapatagan para sa naglalakbay sa gitna ng lambak sa Ilog Jordan; Yahweh ang kaniyang pangalan; magalak kayo sa harap niya.
5Ang ama ng mga walang ama, ang hukom ng mga balo, ay Diyos sa banal na lugar kung saan siya nananahan.
6Inilalagay ng Diyos ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya; pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan; pero maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail.
7O Diyos, nang lumabas ka sa harap ng iyong bayan, nang lumakad ka sa ilang,
8nanginig ang lupa; nagbuhos din ng ulan ang kalangitan sa presensiya ng Diyos, sa presensiya ng Diyos nang pumunta siya sa Sinai, sa presensiya ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
9Ikaw, O Diyos, ay nagpadala ng saganang ulan; pinalakas mo ang iyong pamana noong nanghina ito.
10Dito nanirahan ang iyong bayan; Ikaw, O Diyos, ay nagbigay sa mga mahihirap mula sa iyong kabutihan.