10Dito nanirahan ang iyong bayan; Ikaw, O Diyos, ay nagbigay sa mga mahihirap mula sa iyong kabutihan.
11Nag-utos ang Panginoon, at isang malaking hukbo ang nagpamalita sa mga ito.
12Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo sila, kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam:
13mga kalapati na balot ng pilak na may mga pakpak na ginto. Nang nagpaiwan kayo sa mga kuwadra, bakit ninyo nagawa ito?
14Itinaboy ng Maykapal ang mga hari roon; kagaya nang pag-ulan ng niyebe sa Bundok ng Salmon!
15Ang bulubunduking bayan ng Bashan ay isang matatag na bundok; isang matayog na bundok ang bulubunduking bayan ng Bashan.
16Bakit mo pa kinaiinggitan, ikaw na mataas na bulubunduking bayan ang lugar na nais ng Diyos na panahanan? Tunay nga na maninirahan si Yahweh doon magpakailanman.
17Dalawampung-libo ang karwahe ng Diyos, libo-libo; kasama nila ang Panginoon sa banal na lugar, gaya ng sa Sinai.
18Naitanghal ka; pinalaya mo ang mga bihag; at tumanggap ka ng mga kaloob mula sa mga tao, maging sa mga lumaban sa iyo, nang sa gayon ikaw, Panginoong Diyos, ay manahan doon.
19Purihin ang Panginoon, siya na bumubuhat ng ating mga pasanin araw-araw, ang Diyos ng ating kaligtasan. Selah.
20Ang ating Diyos ay ang Diyos na nagliligtas; Si Yahweh ang Panginoon ang siyang may kakayahang magligtas sa atin mula sa kamatayan.
21Pero papaluin ng Diyos ang mga ulo ng kaniyang mga kaaway, sa anit ng mga nagkasala laban sa kaniya.
22Sinabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang aking mga kaaway mula sa Bashan; ibabalik ko sila mula sa kailaliman ng dagat
23para madurog mo ang iyong mga kaaway, na parang sinasawsaw ang iyong paa sa dugo, at para magkaroon ng bahagi ang mga dila ng iyong mga aso mula sa iyong mga kaaway.
24Nakita nila ang iyong mga prusisyon, O Diyos, ang mga prusisyon ng aking Diyos, aking Hari, tungo sa banal na lugar.
25Naunang lumakad ang mga mang-aawit, sumunod ang mga manunugtog, at sa gitna ang mga dalagang tumutugtog ng mga tamburin.
26Purihin ang Diyos sa kapulungan; purihin si Yahweh, kayong totoong kaapu-apuhan ng Israel.
27Nauna roon ang Benjamin, ang pinakamaliit na tribo, pagkatapos ang mga pinuno ng Juda at kanilang kapulungan, ang mga pinuno ng Zebulun at ang mga pinuno ng Naptali.
28Ang iyong Diyos, Israel, ang nagsaad ng iyong kalakasan; ipakita mo sa amin ang iyong kapangyarihan, O Diyos, gaya ng ipinakita mo noon.
29Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem kung saan nagdadala ng mga kaloob ang mga hari sa iyo.
30Sumigaw sa paglaban sa mga mababangis na hayop sa mga kasukalan, laban sa mga tao, na gaya ng mga toro at guya. Ipahiya mo sila at padalahin mo sila ng mga kaloob sa iyo; ikalat mo ang mga tao na gustong-gusto ang digmaan.
31Magsisilabas ang mga prinsipe sa Ehipto; magmamadali ang Etiopia na i-abot ang kaniyang mga kamay sa Diyos.
32Umawit sa Diyos, kayong mga kaharian sa mundo; Umawit ng mga papuri kay Yahweh.
33Sa kaniya na nakasakay sa langit ng mga kalangitan, na namuhay mula pa noong unang panahon; tingnan ninyo, itinataas niya ang kaniyang tinig ng may kapangyarihan.
34I-ukol ang kalakasan sa Diyos; ang kaniyang kadakilaan ay nasa Israel; ang kaniyang kalakasan ay nasa kalangitan.