3Sabihin mo sa Diyos, “Nakakikilabot ang iyong mga gawa! Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan, magpapasakop sa iyo ang iyong mga kaaway.
4Sasamba at aawit sa iyo ang lahat ng nasa lupa; aawit sila sa iyong pangalan.” Selah
5Halika at tingnan ang mga gawa ng Diyos; kinatatakutan siya sa kaniyang mga ginagawa sa mga anak ng mga tao.
6Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid sila sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon.
7Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; pinagmamasdan ng kaniyang mga mata ang mga bansa; huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili. Selah
8Purihin ang Diyos, kayong mga tao, hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan.
9Iniingatan niya tayo sa mga nabubuhay, at hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa.
10Dahil ikaw, O Diyos, ang sumubok sa amin; sinubok mo kami gaya ng pilak.
11Dinala mo kami sa isang lambat; nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang.
12Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo; dumaan kami sa apoy at tubig; pero inilabas mo kami sa malawak na lugar.