4Kaya pagpapalain kita habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5Parang tulad ito ng pagkain ng utak sa buto at mga taba; sa aking mga labing nagagalak pupurihin ka ng aking bibig.
6Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan at pinagninilay-nilayan kita sa mga oras ng gabi.
7Dahil ikaw ang aking tulong, at magagalak ako sa anino ng iyong mga pakpak.
8Kumakapit ako sa iyo; inaalalayan mo ako ng iyong kanang kamay.