1Sa Diyos lamang ako naghihintay nang tahimik; magmumula sa kaniya ang aking kaligtasan.
2Siya lamang ang aking muog at aking kaligtasan; siya ang aking mataas na tore; ako ay hindi matitinag.
3Hanggang kailan kayong lahat sasalakay sa isang tao, para pabagsakin siya tulad ng isang pader o isang maugang bakuran?