5Ang mayabang ay hindi tatayo sa harapan mo; kinamumuhian mo ang lahat nang kumikilos nang masama.
6Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao.
7Pero para sa akin, dahil sa iyong dakilang katapatan sa tipan, papasok ako sa iyong tahanan; sa paggalang, ako ay yuyuko sa dako ng iyong banal na templo.
8O Panginoon, akayin mo ako sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; gawin mong tuwid ang iyong landas sa harap ko.
9Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang panloob na pagkatao ay masama; ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan; nang-uuto sila gamit ang kanilang dila.
10Ihayag mong sila ay may sala, O Diyos; nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila! Itaboy mo sila dahil sa maraming kasalanan nila, dahil sila ay sumuway laban sa iyo.