1Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran? Tuwid ba kayong humatol, kayong mga tao?
2Hindi, gumagawa kayo ng kasamaan sa inyong puso; naghahasik kayo ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang inyong mga kamay.
3Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na sila simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan.
4Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas; katulad sila ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga,
5na hindi pinapansin ang tinig ng mga nang-aamo, kahit gaano pa sila kagaling.
6Sirain mo ang mga ngipin ng kanilang mga bibig, O Diyos; sirain mo ang mga malalaking ngipin ng mga batang leon, Yahweh.
7Hayaan mong matunaw sila katulad ng tubig na dumadaloy; kapag pinapana nila ang kanilang mga palaso, hayaan mong ang mga ito ay parang walang mga tulis.