16Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh.
17Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.
18Ligtas niyang sasagipin ang aking buhay mula sa digmaang laban sa akin, dahil marami silang mga lumaban sa akin.
19Ang Diyos, ang nananatili mula noon pang unang panahon, ay makikinig at tumutugon sa kanila. Selah Ang mga taong iyon ay hindi nagbago; sila ay hindi natatakot sa Diyos.