11Sa iyong presensiya huwag mo akong paalisin, at huwag alisin ang iyong Banal na Espiritu mula sa akin.
12Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at pagkalooban mo ako ng espiritung handang sumunod.
13Pagkatapos ituturo ko sa mga lumalabag sa iyong mga utos ang iyong mga pamamaraan, at magbabalik-loob sa iyo ang mga makasalanan.
14Patawarin mo ako dahil sa pagdadanak ng dugo, Diyos ng aking kaligtasan, at sisigaw ako nang buong kagalakan sa iyong katuwiran.
15Panginoon, buksan mo ang aking mga labi, at ipahahayag ng aking bibig ang iyong kapurihan.