1Pakinggan ninyo ito, lahat kayong mga mamamayan; ibaling ang inyong pandinig, lahat kayong mga naninirahan sa mundo,
2kapwa mababa at mataas, mayaman at mahirap na magkakasama.
3Magsasabi ang aking bibig ng karunungan at ang magiging pagbubulay-bulay ng aking puso ay pang-unawa.