32Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.
33Hindi siya pababayaan ni Yahweh na mapunta sa kamay ng masama o hatulan kapag siya ay nahusgahan.
34Maghintay ka kay Yahweh at panatalihin mo ang kaniyang kaparaanan, at ikaw ay kaniyang itataas para angkinin ang lupain. Makikita mo kapag ang masasama ay tatanggalin.
35Nakita ko ang masama at nakakikilabot na tao na nagkalat gaya ng luntiang puno sa likas nitong lupa.
36Pero nang ako ay dumaan muli, siya ay wala na roon. Hinanap ko siya, pero hindi na siya matagpuan.
37Pagmasdan mo ang taong may dangal, at tandaan mo ang matuwid; mayroong mabuting kinabukasan para sa taong may kapayapaan.
38Ang mga makasalanan ay tuluyang mawawasak; ang kinabukasan para sa masasamang tao ay mapuputol.
39Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; sila ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.