Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 2

Mga Awit 2:2-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama at ang mga namamahala ay nagsasabwatan laban kay Yahweh at laban sa kaniyang Mesias, sinasabing,
3“Tanggalin natin ang mga posas na nilagay nila sa atin at itapon ang kanilang mga kadena.”
4Siya na nakaupo sa kalangitan ay hahamakin sila; kinukutya sila ng Panginoon.
5Pagkatapos, kakausapin niya sila sa kaniyang galit at tatakutin sila sa kaniyang poot, sinasabing,
6“Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
7Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.

Read Mga Awit 2Mga Awit 2
Compare Mga Awit 2:2-7Mga Awit 2:2-7