1Bakit naghihimagsik ang mga bansa, at ang mga tao ay nagsasabwatan nang walang kabuluhan?
2Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama at ang mga namamahala ay nagsasabwatan laban kay Yahweh at laban sa kaniyang Mesias, sinasabing,
3“Tanggalin natin ang mga posas na nilagay nila sa atin at itapon ang kanilang mga kadena.”
4Siya na nakaupo sa kalangitan ay hahamakin sila; kinukutya sila ng Panginoon.
5Pagkatapos, kakausapin niya sila sa kaniyang galit at tatakutin sila sa kaniyang poot, sinasabing,