Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 18

Mga Awit 18:27-50

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Dahil nililigtas mo ang mga hinahamak, pero ibinabagsak mo ang lahat ng nagyayabang, ang mapagmataas na mga mata!
28Dahil nagbibigay ka ng liwanag sa aking ilawan; si Yahweh na aking Diyos ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman.
29Sa pamamagitan mo, kaya kong lampasan ang isang barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos, kaya kong talunan ang isang pader.
30Patungkol sa Diyos: ang kaniyang pamamaraan ay ganap. Ang salita ni Yahweh ay dalisay! Siya ang panangga sa sinumang kumukubli sa kaniya.
31Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? Sino ang bato maliban sa ating Diyos?
32Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa akin tulad ng isang sinturon, na nagdadala sa isang matuwid na tao sa kaniyang landas.
33Pinabibilis niya ang aking mga paa na parang isang usa at inilalagay niya ako sa kabundukan!
34Sinasanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan at ang aking mga braso para matutong gumamit ng tansong pana.
35Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan. Ang iyong kanang kamay ay sumusuporta sa akin, at ang pabor mo ay ginawa akong tanyag.
36Gumawa ka ng isang malawak na lugar para sa aking paanan sa ilalim kaya ang aking paanan ay hindi lumihis.
37Hinabol ko ang aking mga kaaway at hinuli ko sila; hindi ako tumalikod hangga't hindi sila nawawasak.
38Hinambalos ko sila hangga't hindi na nila kayang bumangon; bumagsak sila sa ilalim ng aking paanan.
39Dahil binigyan mo ako ng lakas tulad ng sinturon para sa digmaan; inilagay mo ako sa ilalim ng mga nag-aalsa laban sa akin.
40Ibinigay mo sa akin ang batok ng aking mga kaaway; nilipol ko lahat ng namumuhi sa akin.
41Humingi sila ng tulong pero walang sumagip sa kanila; tumawag sila kay Yahweh, pero hindi niya sila pinakinggan.
42Dinurog ko sila tulad ng alikabok sa hangin; itinapon ko sila tulad ng putik sa kalsada.
43Iniligtas mo ako mula sa pagtatalo ng mga tao. Ginawa mo akong pinuno sa lahat ng bansa. Mga taong hindi ko kilala ay naglingkod sa akin.
44Sa oras na narinig nila ako, sumunod sila sa akin; ang mga dayuhan ay napilitang yumuko sa akin.
45Ang mga dayuhan ay dumating na nanginginig mula sa kanilang mga tanggulan.
46Buhay si Yahweh; nawa ang aking bato ay purihin. Nawa ang Diyos ng aking kaligtasan ay maitaas.
47Ito ang Diyos na naghihiganti para sa akin, ang nagdudulot sa mga bayan na sumailalim sa akin.
48Napalaya ako mula sa aking mga kaaway! Totoo, itinaas mo ako nang higit sa mga tumuligsa sa akin. Iniligtas mo ako mula sa mga marahas na kalalakihan.
49Kaya magpapasalamat ako sa iyo, O Yahweh, sa lahat ng bansa; aawit ako ng mga papuri sa iyong pangalan!
50Ang Diyos ay nagbibigay ng tagumpay sa kaniyang hari, at ipinakikita niya ang kaniyang katapatan sa tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.

Read Mga Awit 18Mga Awit 18
Compare Mga Awit 18:27-50Mga Awit 18:27-50