4Yahweh, wala akong sinasabi na hindi mo lubos na alam.
5Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin.
6Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan.
7Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya?
8Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka.