3Purihin si Yahweh, dahil siya ay mabuti; umawit ng mga papuri sa kaniyang pangalan, dahil ito ay nakalulugod na gawin.
4Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.
5Alam kong si Yahweh ay dakila, na ang ating Panginoon ay mataas sa lahat ng diyos.
6Kahit na anong naisin ni Yahweh, ginagawa niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman ng karagatan.
7Inilagay niya ang mga ulap mula sa malayo, na gumagawa ng lumiliwanag na kidlat kasama ng ulan at nagdadala ng hangin mula sa kaniyang imbakan.
8Pinatay niya ang panganay na anak ng Ehipto, maging tao at mga hayop.
9Nagpadala siya ng mga tanda at mga kababalaghan sa inyong kalagitnaan, Ehipto, laban sa Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod.