64Ang mundo, Yahweh, ay puno ng katapatan mo sa tipan; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. TETH
65Gumawa ka ng kabutihan sa iyong lingkod, Yahweh, sa pamamagitan ng iyong salita.
66Turuan mo ako ng tamang pagpapasya at pang-unawa, dahil naniniwala ako sa mga kautusan mo.
67Bago ako nasaktan, naligaw ako, pero ngayon, sumusunod ako sa salita mo.
68Mabuti ka at ikaw lang ang siyang gumagawa ng kabutihan; ituro mo sa akin ang iyong alituntunin.
69Siniraan ako sa mga kasinungalingan ng mayayabang, pero buong puso kong pinapanatili ang mga tagubilin mo.
70Tumigas ang kanilang mga puso, pero nasisiyahan ako sa batas mo.
71Nakabubuti para sa akin na naghirap ako para matutunan ko ang mga alituntunin mo.