59Siniyasat ko ang aking mga pamumuhay at binaling ko ang aking mga paa sa iyong mga utos.
60Nagmamamadali ako at hindi ipinagpaliban ang pagsunod sa iyong mga kautusan.
61Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.
62Bumabangon ako nang hatinggabi para magpasalamat sa iyo dahil sa matuwid mong mga utos.
63Kasamahan ako ng lahat ng mga nagpaparangal sa iyo, ng lahat ng mga sumusunod sa mga tagubilin mo.
64Ang mundo, Yahweh, ay puno ng katapatan mo sa tipan; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. TETH
65Gumawa ka ng kabutihan sa iyong lingkod, Yahweh, sa pamamagitan ng iyong salita.
66Turuan mo ako ng tamang pagpapasya at pang-unawa, dahil naniniwala ako sa mga kautusan mo.