40Tingnan mo, nananabik ako para sa iyong tagubilin; panatilihin mo akong buhay sa pamamagitan ng iyong matuwid na pagpapalaya. VAV.
41Iparanas mo sa akin, Yahweh, ang pag-ibig mong hindi nagmamaliw— ang kaligtasan mo ayon sa iyong pangako;
42para may itutugon ako sa mga nangungutya sa akin, dahil nagtitiwala ako sa iyong salita.
43Huwag mong alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan, dahil naghintay ako para sa matuwid mong mga utos.
44Patuloy kong susundin ang iyong batas magpakailanpaman.
45Maglalakad ako nang ligtas, dahil hinahanap ko ang iyong mga tagubilin.
46Magsasalita ako tungkol sa mga banal mong utos sa harap ng mga hari at hindi mahihiya.
47Nasisiyahan ako sa iyong mga kautusan, na lubos kong minamahal.